Thursday, April 29, 2010

The Legacy of the Coolest Prof

Sometimes fate gets so tired to favor us. Sometimes it's not enough to hope and to pray for something you're longing for. Sometimes it gives us the reason to hate everything when fate did not give us what we've been asking for so long. And in times like this, when the world seems to stop turning--- after the perennial question has been asked, and the bomb has been dropped, future seems to be blurred, unclear, dark, and unsure. The emptiness was so intense in making all of us cry not knowing where should we get a single reason to put smile back on our faces. The fear of going in the dark keeps us from holding back. Uncertainties keep on dwelling inside our minds. The strength we sew for so many years, of course with your help turned out to be eaten by monster of truth. The self confidence seemed not to reach the boiling point.--- And total sadness is so much willing to make the stage his own. From where do we get the courage of facing the unthinkable? When in fact, in that so dark destination, we're not sure if one's waiting, if one was there, if one will help us stand up the moment we fell? --- Just like what you always do, just like how you help us raise up every after fall. Just like how you praise us no matter how small and sometimes disappointing our works are. Just how you get mad in every mistake, and find reason how to throw away that madness and replaced them with stern yet sweet and overflowing words--- from a father, from you.

How could we ever ease the pain if we are already used to you--- your encouragements, support, your fatherly advices,your presence, just simply all about you, gives us the reason to feel better. You somehow spoiled us, in a good and qualitative way.For now it is only you who could make us be happy again. In you we found comfort and even how much we claim we're mature people, it's not easy to break up our comfort zone. ---You as the head of it. Sorry for the times we took you for granted, it is because you're so dear to us, and there are really times we took for granted the person who we love and look up to because we know that no matter how annoying we are, that person will not let us down--- who will stand still whatever it takes. But not now, not tomorrow. Sorry our captain. Sorry our boss. Sorry our coach. Sorry if we're making things quite hard for both sides. We tried the hardest and we wanted the most. We want you. Selfish as it is, but we really do. But how could we make it still be you? There's nothing we could do. Perhaps this feeling, this ache of heart will be gone just on the right time for us to gain all the confidence and courage again. You who never get tired of us. You who has been the coolest prof ever. You who proudly says we're not snob, we're just elite. You who protect us from people of different kind. You who patiently fed our minds. You who take the position of a father to some who lost theirs. We owe a lot from you. We will never be what we are now if it's not because of you. You might leave us now without the assurance of when to come back and if you'll be there when we finally ripped the fruits of our labor. But here is what we are sure of. Wherever you go, whatever we will be, you will never be forgotten, the legacy you left us will forever and always be kept in our minds and hearts and if fate permits when we'll be given the chance to meet again perhaps by surprise, with honor and pride, we will hug you tight and shout, "THANK YOU SIR!" Now, one thing for us to make things work, we shall not look back on the day you told us you're leaving. Instead we'll look back on the many days we had with you.--- So wonderful, so true.

Good Luck Sir, WE LOVE YOU!

Monday, April 26, 2010

SILYA


Bigat mo ay aking ramdam.
Iba't iba na ang aking ninamnam.
Panahon ang naging saksi,
Nang hindi pagiging maigi.

Lahat na ng klase ay dumaan,
Ang iba'y hindi gaano kainam.
Palagi man akong nasasaktan
Tinuring na rin ako na tahanan.

Sa bawat sulat at guhit,
Ikaw ay lumalakas, ako nama'y nagigipit.
Hindi ko gusto na ikaw ay pagbawalan,
Kung iyon ang makapagpapabuti ng pakiramdam.

Hindi ko nais na iyong maging katuwang.
Ngunit walang magawa, pagkat walang muwang.
Ginawa akong makasalanan,
Mga sagot ay sinulat sa aking katawan.

Minsan pa ay dumating kang lumuluha.
Inilabas ang pluma at madiin na ginawa.
Yumuko ka at may ibinulong,
Yun pala ay pagkabigo ng puso ang sa iyo'y lumulong.

May kasalanan ba akong nagawa?
Sa palagay ko naman ay wala.
Ngunit bakit tadyak at sipa,
Mula sayo ay aking napapala?

Di ko pa rin matanggap,
Kapalaran na kay saklap.
Dinidikitan ng babol gam,
Na iyong pinagsawaan at ninamnam.

Maari bang sayo ay humiling?
Pakiusap pakinggan muna bago dumaing.
Pagkatapos nito ay saka mo isipin,
Sino kaya sa atin ang inapi at ang salarin?

Iyo sanang pangalagaan,
Ginagamit mong upuan.
Di man batid ng iyong kaisipan,
Sadyang kami ay nasasaktan.

Binigyan ka ng buhay upang mangalaga.
Dinagdagan pa ng isip ng hindi makapanira.
Pinag-aaral ng iyong magulang,
Di ba naisip na wala ng dahilan na maging kulang?

Aking munting hiling,
Wag mo sanang baliwalain.
Wala mang buhay na ako'y ginawa,
Sa sarili, ako pa rin ay naaawa.


Saturday, April 24, 2010

Bitter Sweet Way of Learning

Sitting at the bench,
I wonder how to quench.
The thirst I cannot mend,
It's really hard to fend.

Up roaring emotions there are.
Chasing each of them in an hour.
Possible how could it be,
Will they not stop and wait for me?

She says, Feel all the emotions.
Mesmerized by their motion.
Express what you're feeling,
In a sense you're not hurting.

Once I've been there.
And the experience is so unfair.
I once didn't know what to say,
Emotions put me in dismay.

Chance of being loved,
I let it passed because of doubt.
Expressing of what i feel,
For me is no big deal.

Now, I can say there are no regrets,
But hey, I will not forget
I learned from bitterness
that may lead me to sweet success.









Friday, April 23, 2010

Ingay ng Puso




Tila batingaw na umaalingawngaw.
Balita ng pag-alis ay mangaagaw.
Kalungkutan ng daigdig.
Hindi patatalos, hindi padadaig.

Mag-ambisyon minsan ay mali.
Nagdudulot sa isang bagay ng pagkatali.
Pigilan mang pilit ang hikbi.
Sa pagtulog isipan ay namimili.

Bagay na walang kasiguraduhan,
Hindi malaman kung paano lampasan.
Maglalakbay sa kawalan.
Ngayon na kami ay iiwan.

Paanong kami ay natiis?
Gayung nagpakabait ng labis.
Hindi na ba mapipilit,
Ang desisyon na kay pait?

Thursday, April 22, 2010

Kinilala, Inalala para sa Pagkakaisa

Noong una ay di ko magawa na ikaw ay lapitan,
Batiin o di kaya ay kalabitin katulad sa ilan.
Paano ba naman tindig mo ay kinatakutan,
Akala ko ay saksakan ng tapang sa tanan.

Inisip ko na rin kung paano ka mamuhay,
At ang makulit na isipan ay mapaglarong tunay.
Aking hinangad na sa iyo kami ay mapalapit.
Sa ideyang ito kami ay naniwala at kumapit.

Lumipas ang panahon, ako'y hanggang tingin lamang.
Ni hindi ko magawa na wag magmukang mangmang.
Ngunit isang araw, nang ikaw ay puntahan,
Upang sa problema ay hingan ng kasagutan.

Sir, paano po kaya ang magandang gawin?
Madalas ito ang aming hilig sambitin.
Di ka kinakitaan ng sawa sa pagsagot,
At patuloy na pinagpapasensyahan ang bawat ungot.

Sa bagong buhay na iyong binigay,
Kami ay nasanay sa sobra nitong kulay.
Ngumingiti, tumatawa, sige ano pa?
Natututo, naaliw kahit minsan ay sawa na.

Disiplina-- iyong mahigpit ipinatupad,
Alam namin na makatutulong saan man mapadpad.
Sir, saludo kami sa iyong ginawa.
Umasa ka na sa iyong mga aral ay hindi magsasawa.

Ngayon ay malugod na aking inaalala,
Mga oras na ikaw ay nakasama.
Maraming pagbabago sa pakikisama.
Ako ay natuwa sa dulot na ganda.

Sir, Hindi ka man makita,
Ikaw ay madalas namin na maalala.
Gagawin namin tulay upang magkaisa,
Ang Klase ng English Quadri Batch ay siguradong handa na!




Wednesday, April 21, 2010

Pangako sayo Ama





















May liwanag ang dulot mong ngiti.
Bawat kampay ng kamay ay nakabibighani.
Araw naming puno ng hirap,
Iyong pinipilit bigyang sarap.

Sa maling akala, kami'y naniwala.
Pagkat sa bisig mo kami'y walang bahala.
Pilit man naming intindihin,
Kalungkutan ay patuloy sa pagdating.

Ipagpatawad ang mga pasakit,
Mga reklamong puno ng bakit
Sakit ng ulo na aming inihatid.
Nawa ay hindi mo batid.


Tanging pabaon sa iyong pag-alis,
Pangako na hindi mawawaglit.
Mga turo mo'y tiyak na ipipiit,
Sa puso at isip namin ay ikakapit.