

May liwanag ang dulot mong ngiti.
Bawat kampay ng kamay ay nakabibighani.
Araw naming puno ng hirap,
Iyong pinipilit bigyang sarap.
Sa maling akala, kami'y naniwala.
Pagkat sa bisig mo kami'y walang bahala.
Pilit man naming intindihin,
Kalungkutan ay patuloy sa pagdating.
Ipagpatawad ang mga pasakit,
Mga reklamong puno ng bakit
Sakit ng ulo na aming inihatid.
Nawa ay hindi mo batid.
Tanging pabaon sa iyong pag-alis,
Pangako na hindi mawawaglit.
Mga turo mo'y tiyak na ipipiit,
Sa puso at isip namin ay ikakapit.
naiiyak nko. hahhaa. ayaw ko tanggapin ang reality!
ReplyDeletehaha! kala ko d ka affected eh. Yun pala ayaw mo lang tanggapin. :(
ReplyDelete