Friday, April 23, 2010

Ingay ng Puso




Tila batingaw na umaalingawngaw.
Balita ng pag-alis ay mangaagaw.
Kalungkutan ng daigdig.
Hindi patatalos, hindi padadaig.

Mag-ambisyon minsan ay mali.
Nagdudulot sa isang bagay ng pagkatali.
Pigilan mang pilit ang hikbi.
Sa pagtulog isipan ay namimili.

Bagay na walang kasiguraduhan,
Hindi malaman kung paano lampasan.
Maglalakbay sa kawalan.
Ngayon na kami ay iiwan.

Paanong kami ay natiis?
Gayung nagpakabait ng labis.
Hindi na ba mapipilit,
Ang desisyon na kay pait?

3 comments:

  1. deep and vigor meir :D

    ReplyDelete
  2. aw. magpinaghugutan eh.. you know.. :(

    ReplyDelete
  3. Nice one, Meir. Magaling kang mag-sulat, sobra. Pati 'yong mga salita, tumatalimang tunay. Ipagpatuloy mo, magandang binibini.

    ReplyDelete