Monday, April 26, 2010

SILYA


Bigat mo ay aking ramdam.
Iba't iba na ang aking ninamnam.
Panahon ang naging saksi,
Nang hindi pagiging maigi.

Lahat na ng klase ay dumaan,
Ang iba'y hindi gaano kainam.
Palagi man akong nasasaktan
Tinuring na rin ako na tahanan.

Sa bawat sulat at guhit,
Ikaw ay lumalakas, ako nama'y nagigipit.
Hindi ko gusto na ikaw ay pagbawalan,
Kung iyon ang makapagpapabuti ng pakiramdam.

Hindi ko nais na iyong maging katuwang.
Ngunit walang magawa, pagkat walang muwang.
Ginawa akong makasalanan,
Mga sagot ay sinulat sa aking katawan.

Minsan pa ay dumating kang lumuluha.
Inilabas ang pluma at madiin na ginawa.
Yumuko ka at may ibinulong,
Yun pala ay pagkabigo ng puso ang sa iyo'y lumulong.

May kasalanan ba akong nagawa?
Sa palagay ko naman ay wala.
Ngunit bakit tadyak at sipa,
Mula sayo ay aking napapala?

Di ko pa rin matanggap,
Kapalaran na kay saklap.
Dinidikitan ng babol gam,
Na iyong pinagsawaan at ninamnam.

Maari bang sayo ay humiling?
Pakiusap pakinggan muna bago dumaing.
Pagkatapos nito ay saka mo isipin,
Sino kaya sa atin ang inapi at ang salarin?

Iyo sanang pangalagaan,
Ginagamit mong upuan.
Di man batid ng iyong kaisipan,
Sadyang kami ay nasasaktan.

Binigyan ka ng buhay upang mangalaga.
Dinagdagan pa ng isip ng hindi makapanira.
Pinag-aaral ng iyong magulang,
Di ba naisip na wala ng dahilan na maging kulang?

Aking munting hiling,
Wag mo sanang baliwalain.
Wala mang buhay na ako'y ginawa,
Sa sarili, ako pa rin ay naaawa.


3 comments: